Sinimulan na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang taunang maintenance activities ngayong Semana Santa 2026.
Kasama sa programa ang 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐓𝐨𝐨𝐥𝐛𝐨𝐱 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 na naglalayong paalalahanan ang lahat sa tamang safety protocols, tiyakin ang maayos na koordinasyon ng bawat team, at ibahagi ang risk assessments para sa ligtas na pagpapatupad ng maintenance activities.
Pinangunahan ito ng Safety and Security Division sa patnubay ni SSD Manager Jimmy Chua kasama ang Engineering Department.
Layunin ng aktibidad na masusing suriin, kumpunihin, at isagawa ang preventive maintenance upang masiguro ang maayos at ligtas na operasyon ng LRT Line 2 sa pagbabalik ng regular na biyahe sa Lunes, Abril 06, 2026.




