Repair and replacement of Rigid frognose at Mainline Tracks

Patuloy ang pagsasaayos at pagpapalit ng rigid frognose sa mainline track sa pagitan ng V. Mapa Station at J. Ruiz Station ngayong Sabado ng gabi, Hulyo 25, 2026.

Ang rigid frognose ay isang mahalagang bahagi ng railway turnout o switch na nagsisilbing gabay sa mga gulong ng tren upang ligtas at maayos itong makatawid kapag lumilipat mula sa isang track patungo sa isa pa.

Ang regular na pagpapalit at pagsasaayos nito ay mahalaga upang mapanatili ang kaligtasan at episyenteng operasyon ng LRT-2.

Matapos ang nakatakdang maintenance activities ngayong gabi, magbabalik sa normal na operasyon ang LRT-2 bukas, Linggo, Hulyo 26, 2026, at muling maglilingkod sa publiko sa regular nitong operating schedule.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon.

watch the clip here —> https://www.facebook.com/share/v/1Du8nT8QCb/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *