Naka-deploy na ang anim (6) na shuttle van, apat (4) na bus, at tatlong (3) coaster bus na magsisilbing libreng alternatibong transportasyon para sa mga pasaherong maaapektuhan ng isasagawang pagsasaayos sa mainline track sa pagitan ng V. Mapa Station at J. Ruiz Station ngayong Sabado, Hulyo 25, 2026.
Ang huling biyahe ng tren mula Recto Station ay alas-8:00 ng gabi, habang alas-7:30 ng gabi naman ang huling biyahe mula Antipolo Station.
Ang mga inilaan na bus at coaster bus ay magsasakay ng mga pasahero sa Recto, Antipolo, at Cubao Station at magbababa lamang sa mga istasyon ng LRT Line 2.
Samantala, ang mga shuttle van ay naka-deploy sa mga sumusunod na ruta:
• Marikina Station to Recto Station (vice versa) – 7:15 PM hanggang 10:00 PM
• Katipunan Station to Recto Station (vice versa) – 7:15 PM hanggang 10:00 PM
• Anonas Station to Recto Station (vice versa) – 7:15 PM hanggang 10:00 PM
• Legarda Station to Antipolo Station (vice versa) – 7:45 PM hanggang 10:00 PM
• Pureza Station to Antipolo Station (vice versa) – 7:45 PM hanggang 10:00 PM
• V. Mapa Station to Antipolo Station (vice versa) – 7:45 PM hanggang 10:00 PM
Pinapayuhan ang mga pasahero na planuhin ang kanilang biyahe at makipagtulungan sa mga station personnel upang maging maayos at ligtas ang paglalakbay sa panahon ng maintenance activities.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon.





