Nakikiisa ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa pagdiriwang ng National Anti-Trafficking Awareness Month (NATAM) at World Day Against Trafficking in Persons (WDATIP) ngayong Hulyo 2026 sa ilalim ng temang, “Iisang Nasyon, Iisang Aksyon: Tapusin ang Human Trafficking Ngayon!”
Bilang katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong ng ligtas at maayos na pampublikong transportasyon, muling pinagtitibay ng LRTA ang suporta nito sa kampanya laban sa human trafficking.
Kaisa ang ahensya sa pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa panganib ng makabagong anyo ng pang-aabuso at pagsasamantala, gayundin sa pagsusulong ng mga hakbang na naglalayong protektahan ang karapatan, kaligtasan, at dignidad ng bawat mamamayan.
Maging mapagmatyag. Maging mapanuri. Sama-sama nating wakasan ang human trafficking.


